Sunday, January 23, 2011

Si Bibo Bubot

             Sa isang puno ng Mangga, may mga lupon ng mga bubuyog ang nag-uusap-usap. "Lagi na lang sinisira ng mga tao ang bahay natin, sumusobra na sila,"wika ng isang bubuyog."kailangan nating maghiganti sa lahat ng paniirang ginawa nila sa atin,"sabi naman ng iba.Kaya nakipag-chat sila gamit ang facebook kay Ingkong Taliyog, isang eksperto sa paggawa ng mga mapanirang robot."Ipadadala ko ang robot na si Bubot upang magamit ninyo sa paghihiganti,"wika niya. "Ngunit kailangan nito ng puso ng isang tao upang mapagana,"wika uli niya.
             Nang naipadala na ito nagkataon namang dumaan sa puno ng mangga si Bibo, isang mabait na bata na naghahanap ng pagkain para sa may sakit niyang ina.Nakita siya ng mga bubuyog at  kinuyog siya ng mga ito.Kinuha nila ang puso nito at kinabit sa robot. Tinawag nila itong si "Bibo Bubuyog".
              Nagsimula na silang sumalakay.Marami silang nasirang gusali at ari-arian dahil kay Bibo Bubuyog. Subalit natigil ang lahat nang natanaw ni Bibo ang kanyang may sakit na ina. Tiningnan niya ang kanyang sarili at mga lugar na napinsala niya. Dala ng galit, kinalaban niya ang mga bubuyog. Natakot naman ang mga bubuyog kaya nakiusap sila na huwag silang papatayin . bilang kapalit ay ibabalik nila si Bibo sa kanyang katawan at ibabalik sa dati ang kanilang mga nasira. Pumayag naman si Bibo at nagbalik sa dati ang lahat, Umuwi namang luhaan ang mga bubuyog.
             Dahil sa ginawa ni Bibo, pinarangalan siya  at binigyan ng pabuya dahil sa kanyang kabayanihan.At namuhay si Bibo at ang kanyang ina ng maligaya.

No comments:

Post a Comment